“Hanggang wattpad nalang ka nalang ba?”
Yang line na yan, naalala ko dati sa post ni shoutyourwhisper. Siguro, yung iba dito, hindi kilala yun. Ang galing lang niyang blogger pero hindi ko na alam kung anong nangyari bakit nagstop na siya sa pagtatumblr. Ayun, naging private na yung blog niya. Nakakalungkot lang kasi isa din siya sa mga gusto kong bloggers :(
Anyways, hanggang wattpad nalang ba tayo? Hindi ko naman sinasabing mali yung magbasa ng wattpad e. Actually, ako nga hobby ko na din yan. Kasi halos lahat ng stories. Worth it, kahit ang haba. Pero diba, walang mangyayari kung ikukumpara lang naten yung mga sarili naten sa mga bida ng lahat ng wattpad stories na nabasa naten. Walang mangyayari kung lahat ng nangyari sa story na yun, eh hanapin mo sa totoong buhay. Iba naman kasi ang story ng buong mo. Kung gusto mong magkaron ng ganong story, lumabas ka, enjoyin mo ang buhay, hanapin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo. Hindi yung nandyan ka lang sa harap ng computer at magde-day dream na sana mangyari sayo lahat ng nangyari sakanila.
(via bittersileana)




18




